It's the yuletide season again and I know that most girls out there are dying to fulfill the wish of kissing someone special under the mistletoe. To make your Christmas wish more memorable, I came up with a list of possible losers that you could avoid, para bongga ang Pasko niyo!
So why should you listen to me then, you ask?
That is because I have "been there, done that." I had my own share of heartbreaks and encounters with losers in various phases of my life. Samakatuwid, MAAGA AKONG LUMANDI! Grade two pa lang ako sa St. Bridget may ka-date na akong ka-service 'kong Atenista. Pinaka-date na namin ang pagkain ng dirty ice cream na inilalako sa grounds ng Ateneo 'pag tanghali.
Kagaya ng sa MMK (Maalala Mo Kaya), bigyan natin ng codename o alias ang mga nasabing nilalang. Hindi para hindi ako mabuking na may pinatatamaan ako noh! UYYY! Ang chaka niyo ha, para lang mas cute at fun basahin.
Now I present to you the following guys to avoid! Don't say I didn't warn you. :P
1. MICHAEL ( MICHAEL-ANGOT SA ILONG)
This guy is a slob. Hindi lang siya marumi tingnan, marumi rin ang amoy niya. Asahan mong magkukutkot yan ng kulangot habang nagde-date kayo sa labas, sabay hahawak siya sa kamay mo para makipag-holding hands (YAKS KADIRI). And not only that, you can also half expect that Michael is suffering from a recurring case of halitosis (medical term for MABAHO ANG HININGA). Siguro din isang taon nang hindi pinaliliguan ni Michael ang dreadlocks niya sa ulo niya. Madumi ang mga kuko, may muta pa sa mata kahit hapon na, at tumutulo ang luga galing sa kanyang mga tainga. That is Michael, and he's your beau.
I don't care if Michael is the richest person on earth, or if he donates 10 billion Euros to a lot of charities across the globe annually. Michael-angot pa rin siya sa ilong. Seriously, do you really want to date and KISS this guy? Let me remind you, nakakahawa ang mabahong hininga. Yikes.

2. ELLY (ELLY-PANTE)
If Elly is your boyfriend, I'm sure you fell for him because of your shared love and passion for food. The only difference is, hindi napigilan ni Elly ang lubusang pagmamahal niya sa pagkain kaya lumaki na siya na kasing-laki ng elepante. Sa katunayan, mas mahal pa niya yung matador ng karne sa palengke kesa sa iyo. Kayang suyurin ni Elly ang pinaka-ilaliman ng Maynila at maging ang Antarctica in search for the most delicious delicacies in the world. Ika nga nila, Elly has a "unique passion for food." Ang cute cute ni Elly kapag kumakain; lalung-lalo na kapag sinabi na niya sa iyong: "Babe, akin na lang yung food mo ha, gutom pa ko eh..."
Sooner or later, hindi mo mamamalayang lumalaki ka na rin na kasing laki ni Elly. Kabisado mo na lahat ng pangalan ng restawran sa buong Metro Manila at maging ang kani-kanilang menu; kayang-kaya mo nang talunin ang www.clickthecity.com (Metro Guide).
Si Elly na ba talaga ang gusto mong makasama ngayong Pasko? I bet na kung dadalhin mo sa siya sa Noche Buena ninyo, hindi mo pa siya naipapakilala sa parents mo ay nandoon na siya agad at hinahagkan ang buffet table ninyo.
Pwede mo ba siya i-kiss under the mistletoe? Haha, nakupo 'day, mahirap ata yan, hindi siguro mag-aabot ang mukha ninyong dalawa kasi tiyan pa lang niya, humahalik na sa tiyan mo. Kung swertihin man, asahan mong amoy kare-kare o ginisang hipon ang hininga ni Elly pag-kiss ninyo. How romantic!

3. BOGS (MALI-BOGS)
Sa sobrang kalaswaan ng lalaking ito, hindi ko siya pwedeng ipakilala ng husto sa inyo kasi nga, wholesome tayo 'di ba?
At a glance, ayun na nga, ang habol lang sa iyo ni Bogs ay ang katawaan mo. Wala siyang pakialam kung panget ka, kung marami kang pimples, kung mataba ka (see Elly above, #2), o kung kasing payat mo man ang pink fence ni Bayani Fernando. Ang importante sa kanya ay mayroon kang labi para halikan, boobs na hahawakan, at flower na didiligan.
Pwede mo ring sabihin na may posibilidad na sweet lover itong si Bogs dahil sa kalibugan niya. Let's say that that is the case. Okay, you may go ahead and kiss him under the mistletoe.
Kwentuhan mo na lang ako nine months after December 25 at sure akong malapit ka nang manganak. Who knows, baka hindi nga lang kiss ang naganap sa ilalim ng mistletoe nung Pasko sa pagitan niyong dalawa (Hay ewan ko sa inyo) Gawin mo na lang akong Ninang ng anak niyo ni Bogs ha.

4. TIPPY - MA-TIPPYD
Lahat tayo ay impressed sa investment management skills ni Tippy. I am sure that Tippy still has his alkansiya during his grade school years, at hindi niya pa ito binubuksan. Tippy is the kind of guy that looks down on the road while you guys are doing HHWW (holding hands while walking) because he is in dire hope of seeing a peso coin that he can add up to his growing money collection.
I am not Madame Auring but I can surely predict that your next major fight with Tippy (if he is your boyfriend) is about you, forgetting to bring your wallet and paying for your share in your lunch value meal at McDonald's.
Believe me, Tippy does not deserve to be kissed by you this Christmas season. Wala siyang regalo sa iyo eh. Marami siyang pwedeng idahilan: "Nahulog ang wallet ko, Babe"; "Naholdap ako Babe"; "Magdodonate ako sa charity Babe, mas kailangan nila ang pera" (see Michael #1); o pwede ring sabihin niya na "Babe, hindi kita nabilhan ng regalo, wala akong pera eh. Hindi ko pwedeng buksan yung alkansiya na bigay pa sa akin ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko. I love you."
Seriously? Break up with him! You don't deserve a cheapskate.

5. WARREN - WAR-REN KAMI, NA NAMAN, THIS CHRISTMAS
Si Warren ang most faithful believer ng kasabihan na "The more you hate, the more you love." Pwede na nga siyang manalo ng award eh. Halos lahat ng bagay pinag-aawayan niyo; simula sa kulay ng suot mo, pati ultimong kulay ng gift wrapper na ginamit mong pambalot sa regalo mo sa kanya (Ingrato). Hindi ko tuloy alam kung mainitin lang ang ulo niya talaga, o sadyang sadista siya at natutuwa siyang makitang tumutulo ang luha mo, o kung sadyang nakakainis ka lang talaga (kung ikaw man ang girlfriend nitong si Warren, o kung dating phase pa lang kayo).
So, dapat mo bang i-kiss si Warren ngayong Christmas under the mistletoe? Pupusta ako ng isang libo, hindi nga kayo aabot sa kissing stage dahil umaga pa lang, inaaway ka na niya.
It's time to break Warren's Guinness World Record of having the most fights picked with a girl. Oo, ikaw na mismo ang tumapos. Humanap ka na ng ibang kakissing-scene sa Pasko, kahit si Barky mo na lang (yung aso ng kapitbahay mo) basta mayroon.

-----------------------------------------------
There! Ilan lamang sina Michael, Elly, Bogs, Tippy, at Warren sa mga lalaking hindi mo dapat makasama ngayong Pasko sa kadahilanan ngang sisirain lang nila ang Pasko mo.
Kapag nakaisip pa ko ng mga guys na pwedeng isali sa listahan natin, idadagdag ko. Feel free to suggest!
Basta ako, masaya ako sa Christmas!
XOXO,
Jo





