



One of my plans before leaving the Philippines is to treat myself to a "roam-alone" date. Greenhills and Katipunan are by far the only places my money could take me to. See photos here. If the link does not work, go to my photos page and click the ROAM ALONE album.
I ate lunch at Banapple and bought additional luggage items.
Tip para sa mga taong gustong makipag-date sa sarili nila:
Kung walang kukuha ng picture mo, manghila ka ng taong malapit sayo. :P
Included in my arsenal are:
1. Flat shoes - Wag na magfeeling. Magpakatotoo na lamang. Masakit maglakad sa high heels kung mamasyal ka. Paalala: Wag magfeeling na parang si Kim Chiu na naka platform shoes kahit nasa loob lamang ng bahay sa teleseryeng Tayong Dalawa.
2. Press powder - Para maiwasan ang oily na face. Kailan ka pa nakakita ng artista na oily ang mukha sa picture unless Ponds ang advertisement niya? Isang paalala - hindi ka commercial model.
3. Pera, pera, pera - Hindi totoong masayang magdate na naglalakad lang. Paano kung magutom ka sa kakalakad at himatayin sa isang tabi? Buti sana kung gwapong kagaya ni Papa Piolo or ni Jake Cuenca ang dadampot sayo, eh paano kung kamukha ni ..... ahem ahem. Tabi tabi po.
At isa pa, diyahe kayang maghugas ng pinggan noh.
4. Camera! - Picturan ang lahat ng mapipicturan
5. Cellphone - pantawag kay Mommy kung sakaling mawala ako, or kung maubos na ng tuluyan ang pera ko.
At inuulit ko lamang, ayokong maghugas ng pinggan. Diyahe!
6. Kotse - A date is never complete without a car. Mas romantic siya kesa kung sa tricycle ako sasakay. Minsan lang magfeeling noh. Kailan pa ba naging romantic ang date na mukha kang: "Mahangin ba sa labas?"
7. Nice shawl - pantakip sa balat kung sakaling lumamig ng husto sa movie theater. Pangit naman ata kung naggoose bumps ang balahibo mo, at romantic comedy naman ang pinapanood mo. Save balahibo goosebumps for movies like Drag Me to Hell and Friday the 13th.
Minsan ko lang idate ang sarili ko. Might as well shower time and money. :)

No comments:
Post a Comment