Monday, December 21, 2009

The New Singing Sensation: Joan Valerie Escoto

I can't help but notice that during these past few weeks, I have been doing things that I never knew I could do, and I have been going places that I never thought of ever visiting alone. See photos here. If the link does not work, go to My Photos page and browse through the New Singing Sensation album.

So far I am having the time of my life.

Pero hindi ko akalaing aabot sa punto na kakanta ako sa madlang people of the world!

How to make your trip to a comedy bar the best night chuva-evers:

1. Go alone. Yes, pumunta ka mag-isa mo. Huwag ka nang maarte, kayang kaya yan ng powers mo mare! Minsan kasi kapag may bitbit kang alipores mo, nagkakahiyaan pang umakyat sa stage. Sasabihin ng iba, "Ay nako, wag ka ngang umakyat diyan, you're gonna embarrass our group."

Girl/Boy, alam ko namang dying ka nang bumirit! So go ahead. Pag tinawag ka, tayo!

2. Be in a decent outfit. Huwag naman yung masiyadong disente na para ka nang pupunta sa hotel dinner with your beau. Basta yung maayos lang. Let me remind you that stand-up comedy artists are known for people-bashing, kaya dapat i-ready mo rin ang outfit mo.

Iwasan mo ang pagsusuot ng unflattering clothes, hindi lang naman para hindi ka pagtripan ng mga Joklatis at mga babaeng bakla, kundi para narin sa kapakanan mo.

Mare, huwag ka na mag-tube blouse kung ang chest size mo ay 45-C at ang bewang mo ay size 38. Mahiya ka naman.

3. Be on your best behavior. Be on time. Be friendly. Kapag maaga ka dumating sa bar, usually nagbibigay ng discount yung guard sa labas. Huwag ka ring masungit. Sige ka, sasabihin ni Guard yan kay Allan K. or Chokoleit, or kung sino man ang special guest, at baka pagtripan ka pa ng bonggang bongga.

4. Be a bibo kid. Kung hindi mo talaga kaya, mag-Enervon ka na, mag-Extra Joss, o para mas matindi, tumira ka na ng drugs (joke lang noh). Huwag kang killjoy, if they ask you if you can sing on-stage, try. Sumagot ka rin ng maayos sa mga tanong nila. Kagaya nito:

Ate Gay: Taga-san ho kayo?

Mag-asawa sa kabilang table: Sa Pilipinas

Duh. Oo noh, alam naman ng lahat. We are not stupid, you know? Kung hihirit ka sa mga joklatis, galingan mo naman! Otherwise, maaasar lang sila sayo.

And besides, comedy bar yan; expect the best and expect the worst. Kung hindi ka ready, aba ineng/iho, mukhang naliligaw ka ng destinasyon.

5. Kung maaari, umupo ka sa harapan (lalo na kung mag-isa ka lang). Nung huling nagpunta ako sa Zirkoh, sa harapan ako umupo. Closer ang interaction ko with the stand-up comedy artists. Masaya diba? Hindi uso ang hiya hiya.

Tandaan: Pumasok ka ng comedy bar para magsaya, hindi para mag-inarte na hiya hiya, ulol niyo!

Trust me. Ginawa ko yan lahat! And what did I get?

I CAN COME AND GO TO ZIRKOH WHENEVER I WISH, FOR FREE. LALAPITAN KO LANG ANG FLOOR MANAGER.

Siyempre siguro kasama na rin dun ang face value ko. Kung mukha ka sigurong "tabi-tabi po" baka wala kang same privileges, hehehehe.

BTW, I sang Especially For You by MYMP and I'll Never Get Over You, Getting Over Me by Bellefire. Ang saya!

If you want to come to the place, tell me. I'd be happy to join you. :)



No comments:

Post a Comment